Sa pamamagitan ng aking paglahok, sumasang-ayon ako na itaguyod ang mga layunin, mithiin at mga pagpapahalaga ng APYN.
Sumangsang-ayon din ako na tiyakain na maipapahatid sa APYN Project team ang anumang gawain na aking isasakatuparan sa ngalan ng APYN at titiyakin ko din na ang aking mga kontribusyon ay sang-ayon sa mga sumasakop na batas pang-lokal o internasyunal.
Nangangako akong susuportahan ang mga kagawian ng network at kikilos upang mapangalagaan at maitaguyod ang mga karapatang pantao sa rehiyong Asya-Pasipiko
Sumasangayon ako sa mga sumusunod na kagawian:
• Ang paglahok ay pagiging aktibo
• Pangangasiwa sa sarili, serbisyo at pagkilos para sa ikatataguyod ng APYN
• Pagtiyak na ang mga gawain ay sang-ayon sa mga balangkas ng karapatang pantao
• Paghikayat sa isa’t-isa tungo sa tunay na kolaborasyon
• Paggalang sa kaibahan ng isa’t-isa at pagtanggap ng mga pagkakatulad
• Tiyakin na ligtas at legal ang mga gawain
• Isakatuparan ang mga pangako sa loob ng itinakdang panahon
• Pagtutok sa panganagutan bago kapangyarihan
• Hindi kakatawan sa APYN ng walang kompirmasyon mula sa APYM team
*para ito sa mga pampublikong gawain – nararapat lamang na ipakilala ang iyong sarili na isang indibidwal na aktibista ng APYN
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga Balangkas ng Asal, Katawagan at mga Batayan , Pampribadong Polisiya at mga Pahayag ng Impormasyon, tingnan dito
